Sabi nila, tuwing binabalikan natin ang isang lugar o kanta na minsang naging makabuluhan sa ating buhay, bumabalik din ang ating mga alaalang nabuo rito.
[[MORE]]Sabi nila, tuwing binabalikan natin ang isang lugar o kanta na minsang naging makabuluhan sa ating buhay, bumabalik din ang ating mga alaalang nabuo rito.
Marahil ito ang isa sa mga dahilan kung bakit isinasagawa ang UPIS Alumni Homecoming taun-taon, kung saan kadalasang tumutugtog din ang mga dating banda sa paaralan. Sa muling pagbisita ng mga alumni sa UPIS at pakikinig sa mga awiting patok noon, muling nabubuhay rin ang kanilang mga naging karanasan noong hayskul — ang bawat pagtawa, pag-iyak, paglinang ng sarili, at siyempre, pag-bonding kasama ang mga kaibigan.
Pero para sa mga kasalukuyang mag-aaral ng hayskul, walang kasiguraduhan ang pagkakaroon ng isang permanenteng lugar na magiging saksi sa ating buhay hayskul. Walang kasiguraduhan din na maaari pa natin itong mabalikan sa hinaharap.
Kaya, sa halip na mga lugar, ating balikan ang mga karaniwang karanasan sa hayskul at ang mga kantang makapagpapaalala sa atin sa mga ito. Ating lakarin muli ang kalye ng Quirino upang bigyang-buhay ang iba’t ibang tambayan sa kamakailang isinarang 7-12 Academic Building.
Tara, canteen muna tayo! Dito kumakain, nakikipag-usap sa mga kaibigan, o ‘di kaya ay naghihintay lamang para sa susunod na klase ang karamihan ng mga mag-aaral ng hayskul. Umaga pa lamang, makikita na ang mga mag-aaral na tumatambay at bumibili ng mga pagkaing inihahanda nina Ate Sol. Maliban sa pang-almusal na champorado o pancakes, o ‘di kaya ay fish fillet o kare-kare na tanghalian, nagpabusog din sa atin ang mga kwentong binaon ng bawat isa.
Sa playlist na ito, mababalikan ang dating sigla na mararamdaman sa dating kainan.
Kapag puno na ang canteen, ang stone benches naman na nakapalibot sa Quadrangle ang nagiging takbuhan nating mga mag-aaral. Laging damang-dama rito ang simoy ng hangin, na minsan ay may dalang buhangin, pati na ang init ng araw at ng pakikipagkaibigan. Matapos kasi ang mahabang oras sa loob ng silid-aralan, sa may stone benches tayo nakikisali sa iba’t ibang laro at nagtatawanan kasama ang ating mga kaklase. Gayunpaman, may lugar din dito na mauupuan para sa mga gustong magpahangin lang at magmuni-muning mag-isa.
Kuha ng playlist na ito ang gaan, saya, at maging ang kilig mula sa mga sandaling nagpaparamdam sa atin na parang walang katapusan ang lunch time.
May ilang mag-aaral na, sa halip na mga outdoor games, mas pinipili ang mga larong isinasagawa sa loob, tulad ng board games. Kaya naman, nagiging puntahan nila ang pinakabagong karagdagan sa mga tambayan sa 7-12 Building, ang Vaughn Tobias Student Lounge.
Noong 2024, opisyal na binuksan ang lounge na nakapangalan sa isang dating mag-aaral ng UPIS mula sa Batch 2026. Binuo ito upang magkaroon ng espasyo kung saan makapag-aaral at makapag-re-relax ang mga mag-aaral kasama ang ating mga kaibigan mula man o sa labas ng sariling batch. Sa loob nito, may mga bean bag at cushion, board games, libro, at siyempre, aircon!
Ito ang lugar na kahit minsa’y magulo, hahanap-hanapin pa rin sa dulot nitong lamig at ginhawa. Ano pa nga ba ang mas aangkop na tugtugin kundi ang isang relaxing na playlist?
Hindi lamang umiikot sa akademiks ang hayskul — magkahalo ang mga gawaing pangklase, pati ang mga gawaing ekstrakurikular na halos magkasimbigat na rin. Tila nagkakasabay-sabay ang lahat: mga kina-cram na proyekto, mga pinaplanong programa sa clubs, mga pinagpupuyatang thesis o research, mga inihahandang pagtatanghal bilang klase o batch, at marami pang iba.
Kitang-kita ang iba’t ibang gawain na ito sa isang klasikong bagsakan ng mga mag-aaral bago, sa pagitan, at maging pagkatapos ng ating klase: ang library! May mga tuntunin na kailangang sundin sa loob nito upang matiyak na walang mangambala sa mga nagtatrabaho, tulad ng bawal mag-ingay, bawal kumain, at dapat nakasuot ng kumpletong uniporme. Gayunman, maaari pa rin itong mapalibutan ng kasiyahan, lalo na kung sasamahan ang pagbisita rito ng mga kantang huhuli sa enerhiya, kaba, at pananabik.
At siyempre, hinding-hindi malilimutan ang Ramp Area, na isa sa mga pinakabuhay na tagpuan sa 7-12 Building. Pagpasok pa lamang, bubungad na ang mga magkakaibigang nag-aabang sa isa’t isa, ang mga mag-aaral na naglalaro dito ng volleyball o badminton, at ang mga humihingal mula sa pagbaba o pag-akyat ng mismong ramp. Aakalaing hindi ito naiiwang tahimik sapagkat madalas idinadaos dito ang flag ceremony para sa mga late na nakapasok, mga fundraising activity ng mga organisasyon, at mga programang isinasagawa ng Admin.
Sa dami ng tao at gawain sa Ramp Area, tila ito ang bumibida sa mga tagpuan sa 7-12 Building. Kaya, damdamin muli ang pagka-main character gamit ang playlist na ito.
Isa talagang album ng mga alaala ang ating buhay hayskul. Bawat isa sa mga karanasang ito ay hindi mapapawi ng anumang hadlang, kabilang ang pagsasara ng 7-12 Building, kung ating sasamahan din ng tamang musika. Bagaman ngayon ay magkakalayo tayo, umaalab pa rin ang pag-asa sa komunidad ng UPIS na muli tayong makahahanap ng mga sulok na magiging saksi sa ating mga karanasan. Layunin man ng mga playlist na ito na mabigyang-buhay ang iba’t ibang lugar ng dati nating tahanan, tandaan natin na tayo — ang mga mag-aaral — mismo ang nagpapatibok ng puso ng bawat tambayan.
Ito ang #MusiCalye, tinig (at alaala) ng kabataan.
//nina Justice Aguinaldo, Mati Odulio, CJ Magdaong, at Sam Bugayong
Bagaman lumipas na ang Araw ng mga Puso, nananatili pa rin ang pag-ibig sa simoy ng hangin sa UPIS. Kahit nakapagbigay na ng mga bulaklak, tsokolate, o liham noong Valentine’s, hindi rito nagtatapos ang kuwento ng pag-ibig. Lalo na ngayon na nasa edad na tayong mga mag-aaral ng hayskul kung saan marami sa atin ang may gustong maranasan ang kilig ng “first love” na kadalasang nakikita lang natin sa teleserye o nababasa sa libro.
[[MORE]]Narito ang ilan sa mga mag-aaral ng UPIS na nakahanap o nakatagpo na ng kanilang minamahal sa mga sulok ng ating paaralan. Ang kwento ng bawat magkasintahan na inyong mababasa ay hindi lamang makapagpapakilig sa inyo, kundi makapagbibigay-aral din.
OCEAN AT TREXIA - INIS TO ‘DI MATIIS
Sa unang tingin, inakala ni Ocean na maldita si Trexia dahil tahimik lamang ito tuwing sinusubukan niyang lapitan — pero ang totoo, hindi lang talaga siya gusto ni Trexia noon. Samantala, ang unang impresyon ni Trexia kay Ocean ay makulit at tila kabilang sa “boys at the back.”
Nagbago ang lahat noong Grado 10, nang pagtabihin sila sa isang bagong seating arrangement. Mula sa simpleng kuwentuhan habang magkatabi, nauwi ito sa mga pag-aaya na kumain pagkatapos ng klase at mas madalas na pagsasama. Unti-unting nabuo ang isang koneksyon na hindi nila parehong inaasahan.
“I like her vibe and her goofiness! She always has a smile on her face and it really lifts my mood up every time I see her smile,” ani Ocean. Sa kabilang banda, ang dating kinaiinisan ni Trexia na kakulitan ni Ocean ay siya rin palang naging dahilan ng pagkagusto ni Trexia kay Ocean. “Isa rin yun sa reasons bakit ko siya nagustuhan…’yung pagiging makulit niya, mapapatawa ka kahit minsan cringe naman ang mga sinasabi niya,” pagbabahagi ni Trexia.
Para sa dalawa, hindi engrande ang mga sandaling nagpapatibay ng kanilang samahan. Ang pagpunta nila sa Marriage Booth noong UPIS Days at ang bawat araw na nagkakasama sila ang itinuturing nilang pinakamahalaga at hindi malilimutan. Tulad ng sabi ni Trexia, sapat nang magkasama sila.
Mas tumitibay ang kanilang relasyon dahil sa suporta at pag-unawa nila sa isa’t isa. Sa tuwing may mga problema at kinakailangan ng motibasyon sa pag-aaral, nariyan sila upang magsilbing cheerleader ng isa’t isa.
Espesyal ang #MeetCute nila dahil “it was the start of something special.”
JAYNA AT VINCENT - CHILDHOOD SWEETHEARTS
Hindi man malinaw kay Vincent ang kaniyang unang impresyon dahil mula pa noong Kinder ay magkakilala at magkasama na sila, ngunit natatandaan niya na nakita niya dati si Jayna bilang mahiyain, madaling patawanin at minsan, masungit na babae. Para naman kay Jayna, makulit at extrovert ang naging unang tingin niya kay Vincent—kabaligtaran ng kaniyang personalidad.
Una silang nagkakilala noong naging magkaklase sila sa kanilang unang taon sa UPIS at mula noon ay halos sabay na silang umuwi dahil nagkukuwentuhan ang kanilang mga sundo. Naging malapit sila sa isa’t isa nang minsang ayain ng nanay ni Jayna si Vincent na sumamang kumain sa labas at makipaglaro. Habang tumatagal, mas dumami ang oras na magkasama sila at doon unti-unting tumibay ang kanilang pagkakaibigan.
Ayon kay Jayna, nagustuhan niya na pareho sila ng humor at interes sa maraming bagay, kaya mas naging madali sa kanila ang mag-bond. Para naman kay Vincent, naaalala niya kung gaano siya kadalas tumawa noong bata pa sila—isang inosenteng tawang sobrang cute pagmasdan. Hanggang ngayon, hinahangaan ni Vincent ang pagiging maalaga at maunawain ni Jayna. Marami siyang nagustuhan kay Jayna, sa puntong hindi na niya mabanggit ang bawat isa.
Marami silang hindi malilimutang alaala–mula sa mga spontaneous dates pagkatapos ng klase at simple ngunit makabuluhang selebrasyon ng Araw ng mga Puso, hanggang sa pagbisita ni Vincent sa condo ni Jayna upang mag-swimming at manood ng movie. Mga ordinaryong sandali na naging mas espesyal dahil magkasama sila.
Higit sa lahat, nagsisilbi silang inspirasyon sa isa’t isa pagdating sa pag-aaral at sa pagiging mas mabuting bersyon ng kanilang mga sarili.Habang tumatagal ang panahon, lumalalim lalo ang kanilang koneksyon at samahan .
Espesyal ang #MeetCute nila dahil “sa bawat taon na lumilipas, lalong tumitibay ang ugnayan at pagmamahalan.”
MEG AT YUJI - FROM @MENTION TO MAIN PERSON
Nagkakilala sina Meg at Yuji sa Batch Discord Server noong 2021 dahil sa bot na Dank Memer. Dito, palaging ninanakawan ni Meg si Yuji ng virtual currency— siyang naging simula ng kanilang asaran at pag-uusap sa DMs. Noong una, si Meg ang madalas na mangulit at humingi ng tulong sa schoolworks pero kalaunan, mas naging personal at malalim ang kanilang mga usapan.
Inakala ni Meg na isa si Yuji sa mga “smart kids” – isang nerd na nakasalamin at tahimik. Kalaunan,nakilala niya si Yuji bilang isang makulit, mabait at matiyagang tao. Hindi siya nagagalit kapag inaasar, magaling siya sa Math, at hindi niya sinusukuan kahit minsan ay nang-aaway si Meg. Hinahangaan din niya ang sipag ni Yuji sa mga bagay na mahalaga sa kanya—academics, table tennis at Mobile Legends.
Samantala, unang beses pa lang siyang nakita ni Yuji bago mag-high school, weirdo na agad ang tingin niya kay Meg matapos makita itong pagkasyahin ang buong katawan sa isang locker. Ngunit nang magsimula silang mag-usap sa Discord, nakita niya si Meg bilang makulit ngunit masayang kausap—naging magkasundo sila dahil sa pagkakaparehas ng humor at sa kakayahan ng bawat isang sabayan ang kahit anong usapan.
Dahil parehong kasapi ng Table Tennis team ng UPIS, isa sa mga hindi nila malilimutang alaala ay matapos ang District Meet sa table tennis. Nagtagal ang kanilang usapan hanggang gabi, kahit na alam nilang pareho silang matatagalan makauwi dahil pahirapan nang maghanap ng masasakyan. Bukod doon, naging memorable rin ang isang biglaang meet up sa UP kung saan sumakay lang sila ng IKOT jeep para magkuwentuhan tungkol sa iba’t ibang bagay.
Hindi man malinaw ang timeline kay Meg, natitiyak niya na nagsimula ang pagiging malapit nila sa isa’t isa dahil sa Dank Memer. Sa panig ni Yuji, klaro na sa Discord server nagsimulang magdebelop ang kanilang relasyon. Unti-unti, inabangan niya ang notifications tuwing makikipag-usap si Meg.
Naging magkaklase sila noong Grado 8, naging prom date ng isa’t isa noong Grado 9 at Grado 10, at mas tumibay ang kanilang samahan noong Grado 10 nang magsimula silang mag-meet up sa labas ng eskuwelahan.
Espesyal ang #MeetCute nila dahil ”ngayon ay may kahati na ako sa mabibigat kong bitbitin.”
ALEX AT HANNAH - SECOND TIME’S A CHARM
Unang umamin si Alex kay Hannah noong Grado 7 na simula Grado 4 pa lang ay may crush na siya sa kanya. Kahit na-basted at na-ghost ni Hannah si Alex, unti-unti na silang muling naging malapit sa isa’t isa noong pandemya. Ngunit huminto nang saglit ang kanilang pag-uusap; bumalik na lang ulit ito noong nagkaroon na muli ng face-to-face classes. Inamin muli ni Alex ang kanyang damdamin noong 2023 Valentine’s Day.
Akala ni Hannah na iba ang crush ni Alex noon, kaya sobrang nagulat siya nang umamin si Alex sa kanya. “No’ng bumalik kami sa face-to-face, parang, I figured out na OMG, I really like this doofus, pero ‘di ako sure if he still felt that way. No’ng nag-Valentine’s Day at nakapag-take two kami, siyempre super surprised ako pero also really happy kasi I was like ‘OMG, I still have a shot,” ika ni Hannah.
Akala nila noong una ay sobrang magkaiba ang kanilang mga personalidad, ngunit habang mas nakilala nila ang isa’t isa, napagtanto nila na marami silang pagkakatulad.“We match each other’s freak,” dagdag ni Hannah. Gusto rin ni Hannah ang pagiging maasikaso, malambing, at maaalalahanin ni Alex, hindi lang sa kanya, kundi sa ibang tao rin.
Para kay Alex naman, gusto niya ang “friendly” at “energetic aura” ni Hannah at ang kanyang ngiti na “instantly bina-brighten up yung lugar anywhere she goes.”
Ibinahagi ni Alex ang hindi niya malilimutang alaala kasama si Hannah: noong araw na inanunsyo ang JS Prom. Tinanong siya kaagad ni Hannah kung gusto ba niyang maging date niya sa prom. “Sobrang bilis ng tibok ng puso ko kasi isa iyon sa pinaka hindi ko in-expect na message noong araw na iyon. Hindi ko rin alam na may “kami’ na pala noon; akala ko situationship lang,” aniya.
Para kay Hannah naman, isa sa mga hindi niya malilimutang alaala ay ang kanilang unang date sa UPTC—na noong una ay hindi pala malinaw kung date nga ba talaga. “At that point, akala ko kami na so I was giggling nervously like an idiot. Pero akala niya nag-hang out lang kami,” kuwento niya. Sa katunayan nga, kinailangan pa nilang pag-usapan kung kailan ba talaga ang kanilang anniversary dahil hindi sila sigurado kung kailan naging “sila.”
Para kina Hannah at Alex, ang pagiging inspirasyon nila sa isa’t isa ay nakaugat sa patuloy na pagpili at pagbibigayan sa bawat isa.Partikular na naging inspirasyon ni Hannah ang pagiging maalaga at selfless ni Alex. “All he does is give and give,” saad niya.“
Dahil dito, nais ni Hannah na maging safe space siya ni Alex at maibalik niya ang walang-hanggang suporta na ibinibigay ng kanyang boyfriend sa kanya.
Ayon kay Alex, ang pag-ibig ay isang choice at responsibilidad. Masaya at proud siyang piliin si Hannah araw-araw, ang bumangon para makausap at makita siya, at aminin na dahil sa kanya, naging mas mabuti siyang tao kumpara noon.
Espesyal ang #MeetCute nila dahil…
Alex: “Hindi ako magiging kung sino ako ngayon kung hindi ko siya nakilala at kung hindi siya naging parte ng buhay ko.”
Hannah: “Kahit na ang dami naming pinagdaanan para umabot sa point na ito, wala akong babaguhin for the world!“
TROY AT SARA - LOVE AT FIRST SIGHT
Nagsimula ang kuwentong pag-ibig nina Troy at Sara noong Grado 9 sa pagbalik ng face-to-face classes matapos ang COVID-19 pandemic. Ayon kay Troy, kahit naka-face mask ang mga tao noon, humanga na agad siya kay Sara, lalo na sa kanyang mga mata. “Very elegant yung pag-upo niya dun sa likod ng klase, hindi ko mapigilan na lumingon-lingon sa likod every once in a while,” aniya. Dahil isang introvert at lateral student si Sara, takot na takot siya noong unang araw ng face-to-face classes noong 2022. Kaya nagpapasalamat siya na si Troy ang unang lumapit sa kanya.
Naging mas malapit sila sa isa’t isa nang magsimula silang magkausap sa Discord.Hindi sila nag-uusap sa face-to-face classes dahil nagiging awkward ang vibe, ngunit umaabot sila hanggang alas-siyete ng umaga tuwing nasa voice chat kung saan nanonood sila ng anime, naglalaro ng video games o kaya nagkukuwentuhan tungkol sa kanilang mga interes.
Habang mas nakikilala nila ang isa’t isa, napagtanto ni Troy na hindi lang maganda si Sara. “She’s insanely smart and emotionally intelligent din,“ saad niya.
Para naman kay Sara, naging daan ang kanilang mga pagkakapareho—lalo na sa musika, upang mas mapalapit sila sa isa’t isa. Isa sa hindi nila malilimutang alaala ay ang unang beses nilang pagsali sa Battle of the Bands noong 2025, kung saan bumalik ang hilig ni Sara sa pagtugtog ng instrumento nang tinuruan siya ni Troy na gumamit ng bass guitar.
Hindi lang sa musika natatapos ang inspirasyon nila sa isa’t isa. Simula nang naging magkasintahan sila, mas tumaas ang mga grado ni Troy—hindi lamang dahil tinuturuan siya ni Sara, kundi dahil nagkaroon siya ng mas matibay na rason upang seryosohin ang kanyang pag-aaral para sa kanilang kinabukasan.
Naging inspirasyon din ni Sara si Troy upang mas mabawasan ang kanyang pagiging mahiyain at mas magkaroon ng confidence sa sarili. Patuloy nilang sinusuportahan at tinutulungan ang isa’t isa, sa tuwing may pagsusulit, kompetisyon, o kahit sa kanilang simpleng hobbies.
Espesyal ang #MeetCute nila dahil “aside from being lovers, best friends din namin ang isa’t isa.”
Sa huli, ipinakikita ng bawat tambalan sa UPIS na walang iisang pormula ang pag-ibig. Minsan, nagsisimula ito sa isang simpleng pagtatagpo; minsan naman, sa tawanan sa gitna ng nakakapagod na school days. Ngunit higit sa lahat, ang nagpapatibay dito ay ang tunay na koneksyon at respeto na ibinibigay sa isa’t isa. Sa likod ng kilig at masasayang alaala, ang tunay na #MeetCute ay hindi lamang nasusukat sa malalaking romantic gestures, kundi sa pagpili sa isa’t isa sa araw-araw—sa mga simpleng sandali, sa tahimik na pagsuporta, at sa pagmamahal na patuloy na lumalago kasabay ng dalawang tao.
//nina Nico Dela Cruz at Yani Egipto
Sa bawat kalsadang binabagtas nating mga estudyante sa pasikot-sikot ng UP Diliman patungo at pabalik sa UPIS araw-araw, hindi kailanman nawala ang hile-hilerang street foods na swak na swak sa ating panlasa at badyet.
[[MORE]]Saan ka man tumingin sa loob ng campus, makakakita ka na ng mga kikiam, squidball, at fishball na nagsu-swimming sa mantika o suka, tindera ng kiosk na nagmamadaling magluto ng pancit canton para sa sangkaterba niyang mga suki, o hindi naman kaya ay mga nakalatag na carioca at banana cue na nasisinagan ng araw sa ibabaw ng maliit na lamesa sa tabi ng mga naglalako ng sorbetes at taho, pinapaypayan ang mga sarili at sandaling nagpapahinga matapos ang isang buong araw ng pagkaway ng kalembang at pagtawag ng mga mamimili. Sa samot-saring flavors at kapares na mga sawsawan o inumin ng mga street food na ito, imposibleng makauwi sa bahay nang buo pa ang baong pera matapos ang isang mahabang araw sa paaralan!
Kaya… may 100 pesos ka pa ba diyan? Tara, food trip!
Swak na sa Panlasa, Swak pa sa Bulsa!
Sa mga inilalakong mga street food sa paligid ng tatlong gusali ng UPIS, makukumpleto mo na ang mga pangunahing lasa na hinahanap-hanap tuwing merienda: matamis, maalat, maanghang, maasim—lahat na! Maaari ding magsalo-salo ang mga flavor na ito dahil sa kakaibang paghahalo ng iba’t ibang uri ng mga sawsawan. At syempre, hindi rin mawawala ang mga inumin na isinasabay na pampawi ng uhaw.
TAHO

TAHO. Umagang kumpleto sa isang basong taho na may arnibal at sago.Larawan mula sa Media Center.
Karaniwang iniaalok ang taho sa umaga bilang agahan. Madalas itong binibili bago pumasok sa paaralan kaya naman early bird ang mga naglalako nito para matiyempuhan ang mga estudyanteng hindi pa nakapag-aalmusal. Mainit-init at malambot na taho na humahalo sa malapot at matamis na arnibal at maliliit na sago, bagay na pambungad sa haharaping araw.
SOYA MILK

SOYA MILK. Inumin na pampapresko at malaki ang benepisyo sa kalusugan. Larawan mula sa Media Center.
Ang soya milk ay nagbibigay ng tamis at creamy texture, bukod pa sa mataas na protein content na perfect na pampataas ng enerhiya. May mga nag-aalok na rin ng soya milk na taho bilang healthier option. Sa halagang PHP 30 para sa taho at PHP 45 sa soya milk, sulit na sulit na itong pampabusog sa umaga.
BANANA CUE

BANANA CUE. Pritong saging na may caramelized na asukal. Larawan mula sa Friend Cheap Menu.
Kung gusto mo ng matamis na may kaunting crunch, banana cue ang para sa iyo. Ang saging na saba ay piniprito at binabalot sa caramelized na asukal bago tuhugin. Dahil ito ay nilalako nang naka-stick, saktong-sakto ito para sa mga estudyanteng madalas na magutom sa komyut pauwi at kinakailangan na makipag-unahan sa pagsakay ng dyip lalo na kapag rush hour—puwedeng-pwede kainin habang nakapila sa sakayan, basta’t sisiguraduhin lamang na itatapon ang stick sa tamang basurahan. Sa halagang PHP 30, may maipapares ka na rin sa malamig na softdrinks na bumabagay sa matamis nitong lasa.
CARIOCA

CARIOCA. Mga bola-bolang kakanin na nababalot ng asukal na pula. Larawan mula sa Media Center.
Para sa mga mahilig sa malagkit, hindi mawawala sa listahan ang carioca. Ito ay bola-bola mula sa malagkit na kanin na crunchy sa labas pero malambot sa loob. Katulad ng banana cue, naka-stick din ito at maaaring kainin habang naglalakad pauwi o ‘di naman kaya ay naglalakad-lakad sa campus kasama ang mga kaibigan para humanap ng lugar na mapagtatambayan pagkatapos ng klase. Nagkakahalaga lamang ito ng PHP 25, kaya’t laging patok sa mga estudyante.
FISHBALL, KIKIAM, AT SQUIDBALL

Fishball, Squidball at Kikiam. Sa isang tusok, ika’y mabubusog. Larawan mula sa Media Center.
Hindi mawawala ang fishball na malutong sa labas at masarap isawsaw sa matamis, maanghang, o suka, samantalang ang kikiam ay piniprito hanggang maging golden brown at bagay sa sweet chili sauce o suka. Mas malaki naman at chewy ang squidball, may medyo maalat na lasa na bagay sa refreshing na inumin mula sa mga kiosk. Sa abot-kayang halagang Php 20 per stick, puwede nang mag-enjoy ang lahat ng ito. Ang tunay na paborito ng mga estudyante ay ang mga ka-combo ng fishball, kikiam, at squiball na karaniwang kinakain mula sa tinuping paper plate na may kasamang toothpick, lalo pang sumasarap kapag may sawsawan.
KWEK-KWEK

KWEK-KWEK. Mainit-init na mga piraso ng kwek-kwek na nalulunod sa matamis na sawsawan. Larawan mula sa Media Center.
Isa sa mga pinaka-versatile na street food sa ating listahan—mapa-matamis, maanghang, o maasim na sawsawan, bagay na bagay ang lasa! Neon orange egg waffles ba kamo? Ito ang kwek-kwek na gawa sa itlog ng pugong nakabalot at piniprito sa kahel na batter na nakakapagbigay ng kakaiba at agaw-pansin na itsura nito. Kadalasang go-to na street food ng mga indecisive na estudyanteng bumibili matapos ayain nang ayain ng kanilang mga kaibigan kahit na hindi pa sila nakapagdedesisyon kung maanghang, maasim, o matamis at kung malutong o malambot bang pagkain ang trip nilang kainin. Sulit na sulit dahil pwedeng magsawsaw sa iba’t ibang mga flavor ng sawsawan na nagkakahalagang PHP 30 para sa apat na piraso.
DYNAMITE

DYNAMITE. Dalawang order ng maaanghang na mga dynamite. Larawan mula sa Media Center.
Kung lumpiang shanghai ang present sa mga birthday party, dynamite naman ang present sa mga kalsada ng UP! Kung maalat at maanghang na mga pagkain ang hinahanap-hanap ng iyong panlasa, dynamite ang para sa iyo! Tulad ng lumpiang shanghai, giniling na baboy rin ang pangunahing sangkap sa pagluluto—pero with a twist… dahil nasa loob ito ng siling haba na ibinabalot din sa lumpia wrapper bago i-prito. Kadalasang matagal ang pagluluto ng dynamite kung hindi agad na nakabalot ang giniling na baboy sa siling haba kaya naman saktong-sakto na i-order ito sa halagang PHP 40 para sa tatlong piraso kung naghihintay ka sa kaibigan mo sa kabilang seksyon na napakatagal i-dismiss ng huling klase. Paniguradong paglabas niya ay handa nang mapagsaluhan ang dynamite!
DIRTY ICE CREAM

DIRTY ICE CREAM. Pinagsamang scoops ng cheese at strawberry. Larawan mula sa Media Center.
Iba ang ginhawa na makakita ng napakakulay na kariton ng naglalako ng dirty ice cream lalo na sa ilalim ng init ng araw tuwing hapon na sinabayan pa ng huling sabjek na P.E. Bet na bet itong kainin ng mga estudyanteng may sweet tooth dahil may iba’t ibang uri ito ng dalang tamis sa samot-sari nitong mga flavor na ube, keso, mangga, at tsokolate. May iba ring pakulo ang mga sorbetes na ito dahil hindi lamang ito bumabagay sa apa, kundi ipinapalaman din sa tinapay kung gustong pagsabaying alisin ang init at gutom na nararamdaman ng katawan sa halagang PHP 20 hanggang PHP 50.
PANCIT CANTON

PANCIT CANTON, COMBO 6. Pancit canton at cheese sticks na isa sa mga combo o magkakapares na ipinagbibili sa mga kiosk. Larawan mula sa Media Center.
Sa halaga nitong mula PHP 55 hanggang PHP 60, dahil madali at mabilis lang ang pagluluto ng pancit canton ay marami pa ring mga estudyante ng UPIS ang pinipiling pumila sa mga kiosk dahil sa mga combo meal nito. Ang mga combo meal ay mix & match ng mga street food at iba’t ibang flavor ng pancit canton gaya ng original, calamansi, sweet and spicy, chili mansi, at extra hot chili na nasasaklaw ang malawak na pagkakaiba sa panlasa ng mga estudyante. , makakapili at makakakain ka na ng iba’t ibang mga street food na kapares ang flavor ng pancit canton na iyong pinili—sulit na sulit itong gawing pagkain na mapagsasaluhan ng barkada habang nagkukuwentuhan tungkol sa mga kaganapan sa eskwelahan!
Malapit sa UPIS at Malapit sa Puso ng Mga Batang UPIS
Napakasimple man ng pagluluto at presentasyon ng mga street food, importanteng mapahalagahan at patuloy nating masuportahan ang mga pagkaing tatak Pinoy. Natutuhog ng mga street food ang iba’t iba nating mga karanasan hanggang sa kasalukuyan sa pamamagitan ng pagiging pantawid-gutom ng mga kumukonsumo at pantawid-buhay ng mga naglalako ng mga pagkaing ito.
Hindi lang ito basta pagkain, kundi bahagi na rin ng araw-araw na buhay ng mga estudyante. Sa bawat pagtambay sa kiosks kasama ang barkada, sa bawat tawanan habang naghihintay na maluto, o sa bawat kagat ng banana cue bago umuwi, nagiging alaala ito ng buhay kabataan. Ang mga sandaling ito ay simbolo ng pagiging estudyante sa UPIS: masaya, abot-kaya, at puno ng kuwento.
Bilang mga estudyante ng UPIS na patuloy na kumikilala at tumatangkilik sa mga street food, kaisa rin tayo sa mga nagpapayaman ng pagkaing Pinoy at nagpapanatili ng aspetong ito sa kulturang Pilipino. Mahalagang alalahanin na ang pagpapahalaga sa pagkain sa ating mga lansangan ay isa ring paraan ng pagkilala sa sarili.
Oh ano? Natatakam ka na ‘no? Tara, kain tayo!
Sanggunian:
Friend Cheap Menu. (n.d.). Banana cue recipe - Pinoy merienda recipes [Photograph]. Friend Cheap Menu. Banana Cue Recipe - Pinoy Merienda Recipes
//nina Tenshi Bedico at Trexia Fadrigo
A reminder about truth:
“Not everything that is faced can be changed, but nothing can be changed until it is faced.”
JAMES BALDWIN
For more relatable, inspirational and lifestyle quotes and blogs, please check out The CP Diary https://www.thecpdiary.com
“Death ends a life. But it doesn’t End a Relationship.”
HAL HOLBROOK
Food for thought:
Hal’s quote reminds us that death may part us physically, but the love, memories and moments shared don’t disappear when loved ones cross over – they simply change shape. Loss and grief is learning how to carry that relationship forwards in a different way, holding them and their stories with us in the quiet spaces where their presence still lives.
For more relatable, inspirational and lifestyle quotes and blogs, please check out my site https://www.thecpdiary.com
“The ability to speak does not make you intelligent.”
GEORGE LUCAS
For more relatable, inspirational and lifestyle quotes and blogs, please check out my site https://www.thecpdiary.com
It’s GDC week—the time when a disproportionate amount of game developers migrate to San Francisco for what was previously known as the Game Developers Conference. Due to an apparent early midlife crisis, however (it has been going on for 37 years after all), the conference is now known as GDC Festival of Gaming.
Either way, like every year since 1999, Wednesday night brought with it the Independent Games Festival, an awards ceremony and celebration of the most indie of independent games. Which is pretty cool, because we now get to look at all the finalists that are done in pixel art(ish) styles and post them in this just-as-much-midlife-crisiing pixel art blog. Maybe you’ll even find a new game or two to get excited about!
To make it even more fun, I’ll include as many screenshots as each game got nominations for, starting with the absolute IGF winner …
Seumas McNally Grand Prize (winner)
Excellence in Design (winner)
Nuovo Award
Excellence in Narrative




Excellence in Narrative (winner)
Seumas McNally Grand Prize


Excellence In Visual Art
Excellence In Audio


Excellence In Visual Art

Excellence in Design

Excellence in Design

Wings Award

Excellence In Audio

Best Student Game

Make sure to click the titles of the games that caught your interest to get to their nomination pages and learn more about them. Maybe even give them a go? They’re all on Steam after all (although not all are released yet).
And if you’re intrigued by the whole event, you can watch the recording right here:
I made a terrible mistake at The MIX.
This year’s GDC event was packed with great games. However, I was so focused on the shiny new titles, I didn’t give the titles I was familiar with their due. For this, I am sorry. Hopefully, this inclusive spotlight will help make things right.
Superhuman, the tech company behind the writing software Grammarly, is facing a class action lawsuit over an AI tool that presented editing suggestions as if they came from established authors and academics—none of whom consented to have their names appear within the product.
Julia Angwin, an award-winning investigative journalist who founded The Markup, a nonprofit news organization that covers…
Grammarly Is Facing a Class Action Lawsuit Over Its AI ‘Expert Review’ Feature
For months, Grammarly has been using the identities of real people (including us) for its “Expert Review” AI suggestions without getting their permission, and now it’s facing a lawsuit from one of the journalists included, as previously reported by Wired. The class-action complaint filed by journalist Julia Angwin on Wednesday alleges that Superhuman violated the “experts’” privacy and publicity…
One of Grammarly’s ‘experts’ is suing the company over its identity-stealing AI feature
After careful consideration, we have decided to disable Expert Review as we reimagine the feature to make it more useful for users, while giving experts real control over how they want to be represented – or not represented at all. We built the agent to help users tap into the insights of thought leaders and experts, and to give experts new ways to share their knowledge and reach new audiences.…
Grammarly is turning off the expert review AI feature that stole our identities
En los grandes momentos de transformación histórica, las naciones no esperan a que las condiciones sean perfectas. Actúan.
Venezuela se encuentra hoy, de forma paradójica, ante una de las mayores oportunidades económicas de su historia reciente. No porque hayan desaparecido los riesgos —no lo han hecho— sino porque las fuerzas estructurales del mercado energético, la geopolítica hemisférica y la…
Day of the Devs came to San Francisco this week with indies y'all gotta hear about.
du weißt,behauptete einer,deine Haut vergisst nie
jetzt möchte ich sie fragenob sie sich deines Zutrauens besinntdas Fehlen von Wind als Antwort
The Permanent Rain Press Interview with Sophia Anne Caruso | One Piece Season 2. (Watch in HD)
Sophia Anne Caruso discusses her role as Miss Goldenweek in season 2 of Netflix’s One Piece, including stylistic choices in character, the audition process, using her Colours Trap, and power dynamics with her Baroque Works partner, Mr. 3. She also chats about her appreciation for the One Piece fandom, keeping David Bowie’s spirit close to heart, and personal creative outlets in writing and music.
i miss the freckle on the palm of my hand. i really liked it, i’m not sure why it disappeared. perhaps i should actually go out in the sun sometime.